Posted On: October 16th 2025, 01:02 am
𝐏𝐂𝐆, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐓𝐈𝐖𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐇𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐔𝐊𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐖𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄 𝐒𝐄𝐀 🇵🇭
Nakamit ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinakamataas na tiwala ng publiko sa pagbibigay ng mabilis at maaasahang impormasyon hinggil sa mga kaganapan sa West Philippine Sea (WPS).
Batay sa Pulse Asia survey na isinagawa noong ika-27 hanggang ika-30 ng Septyembre 2025, 41% ng mga Pilipino ang pumili sa PCG bilang pinakapinagkakatiwalaang ahensya sa pagbabalita ng mga insidente sa WPS.
Patunay ito ng patuloy na paninindigan ng PCG sa katapatan, pagiging bukas sa impormasyon, at sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas.
#DOTrPH🇵🇭#CoastGuardPH#MaritimeSectorWorks#DOTrPH🇵🇭#CoastGuardPH#MaritimeSectorWorks