Posted On: May 6th 2025, 01:06 am
(Part 2) Marami na nag bago sa buhay ko simula nung kinuha ako ng furmily ko. Nawala na yung mga sugat ko sa katawan at napagamot na rin yung mga sakit ko, sa bed na ako natutulog hindi na sa kalye, hindi na ako nalilipasan ng gutom kasi masarap na lagi food ko at may treats pa, nakakapunta na ako sa mall para bumili ng toys, marami na akong furriends, at ang pinaka importante sa lahat marami na nagmamahal sakin.
Hindi naging madali ang buhay ko noon kaya pinag ppray ko lahat ng strays ay makahanap ng furever loving home. Kung wala man, kahit sana maging mabuti lang yung mga tao sa kanila. Wag sila saktan. Sana maging bukas ang puso at isipan ng mga tao na may karapatan din kami mabuhay ng payapa. Thank you po sa lahat ng nagmamahal sakin! 🤗
Lablab always,
Mally 🐶❤️
#mallythekaritondog #aspin #rescuedog #stopanimalabuse #adoptdontshop