Para sa pinakamamahal naming si Ollie,
Lagi naming sinasabi bilang mga nanay mo, hindi namin inakala na kaya pala naming magmahal ng ganito kalalim sa isang aso. Pero hindi ka lang basta aso… ikaw si Ollie. Ikaw yung bumuo at kumumpleto sa amin ng nanay.
Ikaw yung masayahin at makulit naming baby, yung tipong kahit ano, pinaglalaruan mo. Bato man, bote, name it, kaya mong gawing laro. Simple lang mundo mo, pero napuno mo ng saya yung mundo namin.
Sobrang mahal na mahal ka namin. At sa totoo lang, may mga times na we blamed ourselves kung bakit mo kailangang pagdaanan ‘tong laban mo ngayon. Ang sakit makita kang nasasaktan… lalo na nung mga panahong halos wala kaming tulog, puyat sa pagbabantay sayo, sa pag-aalaga, sa kakaisip kung ano pa bang pwedeng gawin para gumaan yung pakiramdam mo. May mga gabing tahimik pero puno ng iyak at dasal.
Hindi naging madali yung journey na ‘to for all of us. Nakakapagod, nakakaubos… pero ikaw, hindi ka sumuko.
Yung battle mo hindi lang tungkol sa sakit, tinuruan mo kami maging patient, maging strong, at magmahal even when it’s already tiring. Dahil sayo, mas lalo kaming naging matibay. Mas lalo kaming nagmamahalan ng nanay.
Ollie, araw-araw naming hinihiling na makalakad ka ulit. And even if may mga times na napapagod kami, please know na hindi kami nawawalan ng pag-asa. Hindi kami susuko sayo.💛
At sana alam mo rin, ollieboy, hindi lang kami ang lumalaban para sayo. Madaming nagmamahal sayo, madaming sumusuporta at nagdadasal para sa’yo.
Ikaw yung lakas namin. Ikaw yung dahilan kung bakit lumalaban din kami. 🥹
We love you so much, pututoy. 🐾💛
#ivddwarrior #StrongBoyOllie #ivddcantstopollie #numollyandnume #abanakakalakadnapalaako