Posted On: June 27th 2026, 08:43 am
Panalo po tayo!!!
I am honored to share the nominee stage with
@alexajocom (Founder of Halia) who reimagines menstrual health with her innovative bamboo pads and
@danibuenvenida (follow her on Tiktok!!!) who destigmatizes women actively choosing for themselves 🩷
@moveasonecoalition secured: P 53.2 billion of public transport investments, 812 kms of bike lanes, service contracts for 100,000 transport workers, and the country's first bus rapid transit now serving 65 million passengers annually --- lahat po ito dahil sa matatapang na kababaihan na pinipiling kumilos para sa dignified access sa lahat.
Salamat po
@tatlerphilippinessa pagpapahalaga sa trabaho namin 🩷
Sa totoo lang po, nagulat ako to be nominated. More so to win the award. There are awards usually for NGOs and NGO leaders but historically po, the Tatler Front and Female Awards usually recognize business leaders and entrepreneurs who have expanded opportunities for women and broke ceilings.
But yung award po na natanggap natin kagabi ay para sa civil society, para sa mga batayang sektor na nag-oorganisa para palalimin ang demokrasya sa bansa. Sinabi ko po sa acceptance speech ko na where I came from, hindi sya tungkol sa ambisyon o pangarap, pero sa basic na dignidad para sa kababaihang nahihirapan sa araw-araw: mga nanay na naghahatid-sundo ng mga anak sa eskwelahan, mga asawang expected gawin ang lahat ng gawaing bahay, at mga anak na disproportionately inaabsorb ang caregiving duties sa mga tumatandang magulang.
Hindi pag-abot ng pangarap madalas ang nasa isip nila, pero ung paggaan ng araw-araw nilang trabahong hindi pinapahalagaan ng lipunan --- child rearing, household management, care giving. Lahat ito invisible labor na tinutulak ng lipunan sa bawat Pilipina.
Bago sila hihingi ng lakas para tuparin pangarap nila, hihingi muna sila ng pahinga.
Kaya po ang award na to is for everyone in @moveasonecoalition who work hard to visibilize the invisible and make the movement of our most vulnerable... more dignified. Para po sa makataong mobilidad para sa mga kababaihan nating lumalaban sa araw-araw 🩷
Load More