Posted On: November 1st 2026, 10:43 am
🇵🇭⚓ MGA PAPALIT NA PERSONNEL NG KALAYAAN ISLAND GROUP, PORMAL NA PINAUNLakan AT Pinarangalan SA PUERTO PRINCESA CITY, PALAWAN! 🇵🇭👏
🫡⚓ Isang makabuluhang pagkilala ang iginawad sa mga outgoing personnel ng Coast Guard District Kalayaan Island Group (CGDKIG) matapos silang dumating sa International Cruise Ship Port sa Puerto Princesa City, Palawan, ngayong Oktubre 31, 2026, mula sa kanilang deployment sa Kalayaan Island Group (KIG).
Pinangunahan ni Commodore Jane Gesulgon, PCG, Commander ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) at Coast Guard District Kalayaan Island Group (CGDKIG), ang awarding ceremony bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, katapatan sa tungkulin, at mahalagang serbisyong ipinakita sa panahon ng kanilang panunungkulan sa KIG.
🏅 COAST GUARD BRONZE CROSS MEDAL AND RIBBON
Iginawad sa mga personnel ang prestihiyosong Coast Guard Bronze Cross Medal and Ribbon bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon, sakripisyo, at propesyonalismo sa pagtupad ng kanilang mga misyon.
🇵🇭 Ang kanilang serbisyo ay naging bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Philippine Coast Guard na pangalagaan ang maritime interests ng bansa, panatilihin ang seguridad sa karagatan, at protektahan ang teritoryong pandagat ng Pilipinas.
👏 Saludo sa inyong katapangan, sakripisyo, at walang sawang paglilingkod sa bayan!
MARAMING SALAMAT SA INYONG SERBISYO! 🫡🇵🇭
⚓ Mabuhay ang Philippine Coast Guard!
🇵🇭 Mabuhay ang mga tagapagtanggol ng ating karagatan!
📸 Courtesy: Coast Guard District Palawan (CGDPAL)
#CGDPAL #KalayaanIslandGroup #PhilippineCoastGuard #Palawan #WestPhilippineSea 🇵🇭