instagram story viewer > #DZPH

#DZPH

Posts
Tuloy-tuloy ang pag-iikot at paghahatid ng tulong! 💙✌🏻 Samahan si Cong. Brian Yamsuan sa Barangay Merville, kung saan apat na pamilya ang personal niyang binisita upang ihatid ang tulong-medikal na diretso sa kanilang mga tahanan. 🩺📦 Hindi lang ito basta pagbisita, ito ay pagkakataon na rin para makinig sa kanilang mga kwento. Kaya naman tuloy-tuloy lang ang ating pag-iikot sa bawat sulok ng Distrito Dos para maghatid ng ngiti at pag-asa. Walang maiiwan, dahil ang inyong katatagan ang nagbibigay-lakas sa atin na ituloy ang serbisyong may tunay na malasakit. #LoveYouParañaque 💙
Pinasalamatan ang mahusay na pamumuno ni Cong. Brian Yamsuan sa Technical Working Group. Bilang Vice Chair at TWG Chairman, pinangunahan ni Cong. Brian Yamsuan ang masusing pagtalakay sa Right to Information bill mula sa consultations hanggang sa line-by-line review ng bawat probisyon para masigurong may consensus ang lahat. Bahagi ito ng kanyang HOPE Agenda, na naglalayong isulong ang good governance, transparency. Salamat sa dedikasyon sa isang panukalang para sa mas transparent na pamahalaan. #LoveYouParañaque 💙✌🏻
Panoorin ang Part 2 ng ating pag-iikot sa Brgy. San Martin De Porres. Masaya kaming makita ang inyong mga ngiti at makumusta kayo nang personal. Tuloy-tuloy lang ang paghahatid natin ng tulong at serbisyong pangkalusugan na direktang lumalapit sa inyong mga tahanan, dahil para sa inyo ang lahat ng ito. 🩺💙 #LoveYouParañaque
Bagong umaga, bagong pag-asa! 💙✌🏻 Part 1 ng ating Padala Program sa Brgy. Sun Valley, kung saan personal nating dinala ang tulong medikal sa ating mga kababayang senior citizens at PWDs. Hindi lang tayo basta nagbibigay ng ayuda. Nakikinig tayo sa ating constituents para makahanap ng mas pangmatagalang solusyon. Bahagi rin ito ng ating Health initiatives sa ilalim ng HOPE Agenda, kung saan inilalapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa bawat tahanan. 💙 #LoveYouParañaque
Ano ang dapat gawin para maprotektahan ang mga Pilipino sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis? Panoorin ang interview ni Cong. Brian Yamsuan sa DZBB 594 ngayong araw at alamin ang kanyang mga panukala at hakbang para maprotektahan ang publiko laban sa nagbabadyang oil crisis.💙✌🏻 #LoveYouParañaque
HUWAG MAGING GANID SA PANAHON NG CRISIS Nanawagan si Cong. Brian Yamsuan na imbestigahan ang mga oil companies na nagho-hoard ng murang stock ng langis para ibenta kapag mas mahal na ang presyo nito. Ang mga ganitong gawain ay malinaw na hindi patas sa publiko at maaaring humantong sa economic sabotage, kaya nararapat lamang na mapatawan sila ng karampatang parusa. #LoveYouParañaque
Tara, usap tayo?!🌸
ALAMIN: BENEPISYO NG WATER PROJECTS SA KOMUNIDAD Ibinahagi kung paano direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga proyekto ng Department of Environment and Natural Resources—mula sa mas maayos na suplay ng tubig hanggang sa mas ligtas at malinis na kapaligiran. Panoorin ang buong talakayan rito: https://www.facebook.com/share/v/1AVQzwm1cA/?mibextid=wwXIfr #BagongHenerasyonPartylist #DENR #WorldWaterDay
Sino dito ang nagba-bike o naglalakad papuntang trabaho or paaralan? 🚲🚶‍♀️ Sa mahal ng gas, mas maraming lumilipat sa non-motorized o active transport. Pero… ligtas ba talaga ang kalsada natin? Panoorin niyo ito para malaman kung para saan ang House Bill 7863 o Safe Pathways Network Act. Bahagi ito ng ating HOPE Agenda sa ilalim ng Peace and Order. Dala nito ang pag-asa ng mas ligtas na daan para sa lahat. 💙✌🏻 #LoveYouParañaque
Isinusulong ni Cong. Brian Yamsuan ang pagpapataas ng subsidy para sa mga vulnerable sectors upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis. Mahalaga na masigurong ang tulong ay makarating sa mga tunay na nangangailangan. Dahil sa banta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, hindi tayo dapat tumigil sa paghahanap ng mga paraan para matulungan ang ating mga kababayan. #LoveYouParañaque
Ang progreso ng komunidad ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan. Congratulations sa inyong matagumpay na State of the Barangay Address! #SulongIkatlongDistrito
Ang simpleng tulong na ito ay nagdadala ng ginhawa at pag-asa para sa ating mga kababayang nangangailangan. #SerbisyongTama.
back to up