Instagram story viewer> @ecsamar> Posts
POSTS STORIES REELS TAGGED
Download All
Bakit Parang Mas Mahal Na ang Mabuhay Ngayon?

Hindi romantiko ang kakulangan, at hindi mababaw ang pag-aalala sa pera. Pero may panganib kapag ang buong kahulugan ng “maayos na buhay” ay lumiit hanggang maging basta kakayahang patuloy na bayaran ang susunod na kailangan.

#SilidSantinakpan #Pagpapalaya101 by @ecsamar
0
8 hours ago
Download
Ang una kong naisip paggising:

Ngayon, wala ka rito para itama ako na hindi oras ang gumagapang sa EDSA.

#SilidSantinakpan #Tulambuhay by @ecsamar
0
21 hours ago
Download
Pinakamahusay gumana ang disenyo kapag hindi na natin ito tinatawag na disenyo, kundi panlasa, kasangkapan, karakter. Doon nagsisimulang magmukhang sarili ang mga pagpiling matagal nang inihanda para sa atin.

#SilidSantinakpan #Tulambuhay by @ecsamar
0
a day ago
Download
Ang una kong naisip paggising:

May mga taong minahal natin dahil din sa bagay sa kanila na una nating kinatakutan.

#SilidSantinakpan #Tulambuhay by @ecsamar
0
2 days ago
Download
Bakit ang Hirap Umalis Kahit Masakit Na?

Magkaiba ang pagpapaliwanag at pagdadahilan, pero magkaiba rin ang pag-unawa at pagsuko. Kapag nakilala natin kung anong pangako ang nakatali sa isang relasyon, mas malinaw din kung ano ang ayaw nating mawala. At doon maaaring magsimula ang mas mahirap na tanong: paano natin mababawi ang mga posibilidad na iyon nang hindi kailangang manatili sa mismong relasyong pumipigil sa kanila?

#SilidSantinakpan #Pagpapalaya101 by @ecsamar
1
2 days ago
Download
Ang una kong naisip paggising:

Huli na, ligtas na.

#SilidSantinakpan by @ecsamar
1
3 days ago
Download
May mga pagtawid na may hinihinging kapalit bago ka makarating.

#SilidSantinakpan #PatreonPost #PagkathaNgMundongHigitSaNaririto #100HakbangSa PagsusulatNgNobela by @ecsamar
0
3 days ago
Download
Ang una kong naisip paggising:

Ang lahat ng puwedeng matutuhan at gawin sa nilalaman ng bawat Hakbang ng Pagkatha ng Mundong Higit sa Naririto. 

Dahil sa magastos na printing kaya very limited ang kopyang maililimbag namin. Kung gusto mong makabilang sa unang makakatanggap ng preorder details at mapasama sa mailing list ng @silidsantinakpan para siguradong makakabili kayo ng kopya, i-DM lang ang iyong e-mail address.

#SilidSantinakpan #PagkataNgMundongHigitSaNaririto #100HakbangSaPagsusulatNgNobela

Mga guhit ni @m.eparwa at disenyo ng libro ni @pietiau by @ecsamar
2
4 days ago
Download
Magkatabi Lang Sila, Biglang May Ibig Sabihin

Isa sa pinakakakaibang kapangyarihan ng sining ang paglikha ng relasyon sa mga wala tayong nakikita dati. Minsan, hindi bagong bagay ang kailangan upang magkaroon ng bagong kahulugan. Sapat nang baguhin kung ano ang katabi nito.

#SilidSantinakpan #Pagsusulat101 by @ecsamar
0
4 days ago
Download
Ang una kong naisip paggising:

Ang loob na akala nating pinakapribado ay binubuo rin ng mga anyong minana natin. Bago pa natin maipaliwanag ang isang damdamin, may wikang nagtuturo kung paano ito makikilala; bago natin tawaging kuwento ang isang karanasan, may pamayanang matagal nang gumagamit ng salaysay upang magpasiya. Kaya hindi inosente ang anyo. Nakikialam ito sa inaakala nating posible, totoo, at atin. Ang radikal na pagbabago, kung seryoso, ay kailangang umabot hanggang sa maliliit na estrukturang ginagamit natin sa pag-iisip at pakikipagrelasyon. Doon nagiging komplikado ang salitang sarili.

#SilidSantinakpan #LimangLibro by @ecsamar
1
5 days ago
Download
Minsan, ang overthinking ay overreading din: ginagawa nating ebidensiya ang bawat kilos para sa kuwentong una na nating pinaniniwalaan. Mahalaga ang interpretasyon, pero mahalaga rin ang pagpipigil dito. May mga pagkakataong ang mas mapagmalasakit na paraan ng pagtingin ay ang hayaang manatiling hindi tiyak ang isang kilos hanggang magkaroon tayo ng dahilan para unawain ito nang iba.

#SilidSantinakpan #Pagpapalaya101 by @ecsamar
2
5 days ago
Download
Ano ang Diyalogo?

Madalas nating basahin ang diyalogo para malaman kung ano ang sinabi ng mga tauhan. Mas nagiging matalas ang pagbasa kapag pinakikinggan din natin kung paano binabago ng bawat sagot ang kahulugan at posibilidad ng susunod na sasabihin.

#SilidSantinakpan #NoliMeTangere by @ecsamar
0
6 days ago
Download
×

Download all media on this page

Photos Videos
back to up