Instagram story viewer> @mgatalatula> Posts
221.8K
followers
1
following
filipino poetry by @roncanimoph ✨
MTAT BOOKS ON TIKTOK SHOP 👇
POSTS STORIES REELS TAGGED
Download All
Tuso. Sobrang tuso.

Hindi kailanman magiging malumanay ang tagumpay. Dadaanan mo muna ang sigwa, pasusukuin ka ng paulit-ulit na pagkadapa, pagkakaitan bago tuluyang pagbigyan. Saka sasabihing pinatitibay ka lamang.

At kung sa wakas ay marating mo na ang dalampasigan, maaalala mo ang daluyong na nagtulak sa’yo patungo rito. Iisipin mong baka hindi ka nakarating kung wala ang malalaking alon, kung wala ang malakas na hangin.

Mapipilitan kang ipagdiwang ang mga sugat na tinamo.
Tuso. Pasasalamatan mo pa rin ang delubyo sa dulo.

@roncanimoph by @mgatalatula
0
11 hours ago
Download
pag-uwi mo. by @mgatalatula
0
11 hours ago
Download
Iyon marahil ang pinakamasayang pagpunta ko sa isang grocery store.

Wala namang gaanong laman ang listahan natin, pero puno ang mga puwang sa pagitan ng aking mga daliri. Bitbit mo ang basket sa kanan, at tangan naman ng kaliwa mo ang kamay ko. Sa lugar na ito, pakiramdam ko’y ako ang pinakamayaman sa buong mundo.

Mahal ang mga bilihin. Makailang beses mong ibinalik ang imported na de-lata at pinalitan ng mas pamilyar sa atin—’yung nabibili rin sa kanto. Romantiko rin naman ang kapayakan, at hindi ako kailanman mapipigilang umibig dahil lamang sa kakapusan.

Hindi madidiktahan ng mga bagay sa loob ng malaking tindahang ito ang kalayaan nating piliin ang isa’t isa. Pabawasan mo man ng ilang gramo ang karne o piliin ang mga sahog na nasa pakete kaysa sa bote, mamahalin kita nang walang pagtitingi.

@roncanimoph by @mgatalatula
5
2 days ago
Download
tradisyunal 📝 by @mgatalatula
0
2 days ago
Download
Mapanlinlang ang panahon.

Kaya nitong magsinungaling at sabihin sa’yong mahaba pa ang oras mo sa mundo, pero mabilis din nitong nilalagas ang mga dahon sa puno, at pinupuno ng alikabok ang nakakuwadro mong mga retrato.

Papayuhan ka nitong magpahinga muna, habang patuloy na nagbabago ang kulay ng kalangitan, at walang tigil ang pag-agos ng tubig sa ilog patungong karagatan. Titigil ka, habang walang humpay sa pag-usad ang sanlibutan.

Kaya sa mga sandaling tulad nito—sa unang araw ng buwan—kukuyugin mo ang sariling isipan. Bubugbugin ng mga tanong, ng tensiyon, ng mga alaala. Paniniwalain ang sarili na nawawala ka—kahit ang totoo’y nakasilong ka pa rin sa libu-libong tala.

Pareho lang kayo ng panahon.

—
@roncanimoph by @mgatalatula
2
6 days ago
Download
kailangang paluwagin ang puso. by @mgatalatula
0
6 days ago
Download
ito pala ang kapalit ng pakikipagtagpo
sa mundo. marami akong matututuhan, pero mas
marami ang makikilalang kakulangan.

habang lumalawak ang paligid, unti-unti rin
akong lumiliit. nagiging malinaw ang mga pasakit;
nagtatangkang lumapit at humagupit.

ang sabi nila, kasama raw sa paglaki
ang maraming beses na paglisan. sa pamamaalam
ko raw matatagpuan ang aking kabuuan. 

pero kung ganito ang danas ng pag-alis,
kung ang labas ay mananatiling marahas at malupit,
maaari bang dito na lang ako sa’king silid?

@roncanimoph by @mgatalatula
6
2 months ago
Download
saang yugto na ang puso mo? by @mgatalatula
8
2 months ago
Download
‘di ako makakalma hangga’t wala ka pa.

paniniwalain ko ang sarili na ikaw
ang bawat kaluskos, ang bawat yabag,
ang ugong, at lahat ng uri ng ingay
na senyales na narito ka na sa bahay.

alam ko mang bihirang mangyari,
hihilingin kong makasakay ka agad pauwi.
at kung sakaling abutan ka ng ulan,
sana’y hindi pa baha sa’yong daraanan.

sapagkat ang bawat pag-alis mo’y
pag-iiwan sa’kin ng rason para mangamba.
ang mga patak ng ulan sa’ting bubong
ay tunog ng dibdib ko hangga’t wala ka pa.

@roncanimoph by @mgatalatula
5
2 months ago
Download
ito talaga pantasya ko. by @mgatalatula
7
2 months ago
Download
wala na ‘kong ibang maisip na paraan,
kaya’t kinasabwat ko ang ulan.

sinuhulan ko siya na huwag kang basain,
dahil madali ka kakong lagnatin.

maging marahan lamang ang buhos niya,
ambon—kung puwede sana.

saka pupuslit sa payong ang isang patak,
pipiliting dumampi sa iyong balat.

ipapaalala sa’yong hindi ka nalilimutan,
madilim man ang kalangitan.

kung natagpuan ka ng ga-butil na ulan,
ano pa ang mga bagay na sa’yo
nakalaan.

_
@roncanimoph by @mgatalatula
9
2 months ago
Download
ipakikila ang kauna-unahang filipino poetry cards ngayong agosto. ✨

disenyo ni @denswan.art by @mgatalatula
31
2 months ago
Download
×

Download all media on this page

Photos Videos
back to up