Instagram story viewer> @mon.reader> Posts
434
followers
1827
following
Mambabasa
Para sa Panitikang Pilipino
(mabagal magbasa)
POSTS STORIES REELS TAGGED
Tatanggapin pa kaya ito ni Ma'am kahit late na para magpasa ng project?

First time kong sasali sa event na ito para sa mga akdang gawa ng mga Pilipinong manunulat.

At ito ang aking listahan ng mga aklat na babasahin ngayong Buwan ng Wika. (Sana matapos ko silang lahat basahin bago magtapos ang Agosto)

PARALUMAN
- Bathala Games by E. Manawari

ILI
- Pan de Monio ni Rommel Fabros Bonus

NANAM
- This Adobo Life by Noel Aquino

OROG
- Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon ni Edgar Calabia Samar

YARI
- Ang Lahat ng Hayop sa Ating mga Yapak ni Ronaldo Vivo Jr.

Mga Karagdagang Babasahin
- Home at Elyu and Other Stories by Raphael Chuson
- Toto O. ni Charmaine Lasar
- Pushpin by Jacq Parairo
- Hindi Straight ang Rainbow ni Jaf Salazar

Maraming salamat po sa @thefilipinoshelf para sa event na ito.

Mabuhay ang Panitikang Pilipino

#AkdangPinoy2026 #AkdangPinoyReadathon by @mon.reader
4
2 months ago
Download
Sa isang pambihirang pagkakataon, nakumpleto ko ang Alipin Trilogy.

Nakaraang Martes, pumunta kami ng kaibigan ko sa Megamall para bumili ng panregalo sa inaanak namin dahil bertday nya sa darating na Sabado. Naalala namin may sale nga pla sa NBS sa Megatrade Hall kaya doon muna kami unang nagpunta. Titingin lang talaga kami ng libro.

Pramis, titingin lang talaga kung anong meron. Wala sa plano namin ang bumili. Ako, naka-book ban talaga, sa MIBF na ulit dapat ang sunod.

Kaso, nakita ko ung unang aklat sa Alipin. Yung trilogy na yun ang kasama sa listahan ko na gusto kong magkaroon. Nakahalo sa tumpok ng Childrens' book 199 each buy 3 get 1 free ang Book 1 pero P299 ang presyo. Bagong-bago pa. Nakaplastik, siguro may nagtago dun kasi nag-iisa lang talaga sya. Walang kasama.

Pagtungo ko naman sa table ng 20% discount, nandun ung Book 3. Nakasalansan, kahanay ng mga libro ng Harry Potter. Bago din. 

Oo, nasira ko ang sariling disiplina ss pagbili ng aklat. Pero sobrang saya ko nang araw ding 'yon. Kulang man ng Book 2 at least meron na. 

Sumunod na araw, nagbakasakali ako. Kasi alam ko kapag ganitong may sale sa NBS, naglalabas sila ng mga stocks. Kahit di na maganda ang kondisyon, papalagan ko na. Basta makumpleto. 

At ayun na nga, may stock ng Book 2. Kakalabas lang mula sa kahon kaya kinuha ko na agad. Iilang piraso na lang at maganda pa ang condition. 299 pesos rin. Naka 299each buy 2 get 1 free. Kaya kumuha ng dalawang dagdag na aklat. Di ko na napicturan ung mga nakuha kong pandagdag.

At may bonus pang ilang piso sale kahit alam kong wala na talaga kasi May 27 pa nagsimula ang sale at narinig ko din nung Martes na wala ng piso sale nang may nagtanong na kostumer. Pero etong si ate, naawa yata sa akin dahil tatlong libro lang ang hawak ko.

"Sir, eto oh. Piso lang kunin mo na." Ilang beses din sya nagpabalik-balik sa akin para mag-abot ng naliligaw na tag-pipiso habang nag aayos. Ilang piraso din ung mga inabot nya sa akin kaya nagpasya na ako magtungo sa counter. Baka makahanap pa sya at madami akong mabitbit. Awat na po, ate.

"Pramis, titingin lang talaga." Pero paglabas nyo, "Bakit ba kasi tayo nagpunta don." Hahaha taken in Mega Trade Hall, SM Megamall by @mon.reader
2
4 months ago
Download
Sharing my PBF Haul 2026 (kahit sobrang delay na)

First time kong mag-attend ng Philippine Book Festival @bookfestph kaya naman tuwang-tuwa ang puso ko. Sa sobrang tuwa, napadami ng bili ng libro haha. Marahil birthday treat ko na para sa sarili ko. 

Book-buying ban muna, sa MIBF na ulit bibili. (Weh talaga ba? Haha) 

Salamat @nbdbphilippines sa event na ito.

#AkdangPinoy #PhilippineBookFestival #PBF2026 #AklatParaSaLahat #MagbasaTayo by @mon.reader
6
6 months ago
Download
×

Download all media on this page

Photos Videos
back to up