Instagram story viewer> @bayancanada> Post
a month ago
Co Creator: migrantecanada
Sept 30, 2026

Statement ng BAYAN Canada ukol sa paglaya ni MJV

Mabuhay ang diwa ni Mary Jane Veloso at iba pang migranteng lumalaban!

Matapos ang mahigit 16 na taon niyang pagkakakulong nang arestuhin siya sa Indonesia noong 2010 sa kasong drug trafficking. Isang krimen na hindi niya ginawa. Ang sinapit niyang ito ay umabot sa puntong siya ay hinatulan ng kamatayan o death sentence ng gobyerno ng Indonesia. Noong 2015, dahil sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, habang nakapila na siya upang bitayin ay gumulong ang kanyang kaso at nabigyan siya ng pagkakataong tumestigo laban kay Maria Cristina Sergio, ang recruiter na nanloko sa kaniya. Bandang Disyembre 2024 naman ay isang tagumpay ang nakabalik siya sa bansa mula sa piitan sa Indonesia, ngunit nanatili siyang nakakulong parin. Kamakailan lamang ay pinagdidiwang natin ang natanggap niyang absolute pardon at sa huli ay nayakap na niya ang kanyang pamilya at mga tagasuporta.

Si Mary Jane ay naging mukha ng maraming kababayang OFW at ordinaryong mamamayang natulak na mangibang-bansa upang humanap ng mas mabuting oportunidad para masustentuhan ang kanilang pamilya. Sa kabilang banda, ang mga katulad niya ay bulnerable sa human trafficking, panloloko ng mga recruiter, at pagsasamantala. Sinasalamin ng kanyang kuwento ang kawalan ng pambansang industriyalisasyon, kawalan ng disenteng trabaho, mababang sahod, at problema sa lupa sa Pilipinas.

Ang long overdue niyang paglaya ay naglalarawan din ng kawalan ng hustisya at ng mabagal na proseso sa mga kasong kinakaharap ng mga kababayang nasa laylayan. Hindi tulad ng mga opisyal sa gobyerno na nahaharap sa kasong korapsyon at paglabag sa karapatang pantao na malayang nakakalakad pa rin at mabilis na naabswelto.

[Karugtong ng pahayag ay nasa comment section]
2
Posted On: September 30th 2026, 05:38 pm
Tagged Users:

Comments (2)
migrantecanada a month ago

migrantecanada

Mabuhay si Mary Jane at ang pamilya Veloso! Mabuhay ang Migrante International! Mabuhay ang National Union of People's Lawyers! Mabuhay ang mga taong-simbahan! Mabuhay ang lahat ng kumilos at sumoporta sa laban ni Mary Jane at ng marami pang katulad nya! Mabuhay ang mamamayang Pilipinong patuloy na lumalaban! ✊❤️‍🔥

bayancanada a month ago

bayancanada

Tumimo sa taong-bayan ang kanyang kuwento dahil hindi lamang ito simpleng kuwento ng isang babaeng migrante, kundi kuwento ito ng marami sa atin. Ang karanasang ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan hangga't walang tunay na pag-unlad sa industriya at agrikultura sa bansa. Tuloy ang ating laban! Mabuhay ang kolektibong pagkilos ng mamamayang lumalaban! Mabuhay ang diwa ni Mary Jane Veloso at iba pang migranteng lumalaban! Isang taas kamaong pagsaludo sa paglaya ni Mary Jane Veloso! Trabaho sa Pinas, Hindi sa Labas!

More posts

back to up