Instagram story viewer> @pinoyweekly> Posts
6.1K
followers
206
following
Voice of the marginalized Pinoy
POSTS STORIES REELS TAGGED
Download All
PAANORIN: "Bilang pamilyadong tao, umaaray kami."

Kakapiranggot ang kita ng pamilya ni Randy Eras, tsuper at miyembro ng Piston, dahil sa walang tigil na taas-presyo ng krudo. Aniya, sana'y kontrolin ng gobyerno ang pag-akyat ng presto dahil higit P3,000 ang nagagastos niya kada araw para lang makabiyahe. 🎥 Thomas Andrei Brecio by @pinoyweekly
0
an hour ago
Download
Halos 25 taon nang namamasada si Jesus Roxas, 58,  sa rutang Alabang-Biñan. Mula pagiging mekaniko ng jeep, nagpasya siyang magkaroon at magmaneho ng sariling yunit para suportahan ang kanyang pamilya.

Mahigit dalawang dekada na ring lumalaban ang Pacita-Alabang-Muntinlupa Jeepney Operators and Drivers Association (PALMJODA-Piston) kung saan siya nakabilang. Kasama na si Roxas noong una nilang nilabanan ang oil deregulation law na ipinasa ng administrasyon ni Fidel V. Ramos noong 1998.

Ngayon, kasama pa rin siya sa kanilang welga.

Kuwento ni Roxas, ayaw nila makaperwisyo sa mga mananakay. Pero sinisikap nilang ipaunawa sa lahat na hindi lang para sa kanilang sarili ang welga, kundi para sa lahat ng Pilipino.

"Parang dugo kasi ng bansa natin 'yong langis. Kung hindi makakabili ang mga drayber ng langis, walang makakabiyaheng tao, walang makakatakbong produkto," sabi niya.

Gusto ni Roxas at ng ibang tsuper malaman ng gobyerno na hindi sila magpapasindak dahil makatarungan ang kanilang laban. "Hangga't hindi nagbabago itong bulok na sistema, kahit gaano pa kami katanda, hindi kami titigil." 📷✍️ Kai Duque, Kat Catalan/Pinoy Weekly by @pinoyweekly
0
2 hours ago
Download
Kasalukuyang nagtatalakayan patungkol sa oil price hike ang mga nakabantay sa strike area ng PISTON sa Cubao, Quezon City.

Inaasahang mamayang tanghali ay may gaganaping mid-day report back at solidarity lunch. 📷: Arliz Torre, Gayle Tamayo at Glenize Pascua by @pinoyweekly
0
3 hours ago
Download
PANOORIN: Bakit may welga ngayong araw ang mga tsuper?

Ayon kay Ka Mody Floranda, tagapangulo ng Piston, dagdag-pasanin sa mga tsuper at mamamayan ang mga buwis na ipinapataw sa bawat litro ng petrolyo. Pakinggan ang paliwanag niya.

🎥: Arliz Torre�Glenize Pascua, Gayle Tamayo by @pinoyweekly
0
4 hours ago
Download
BREAKING: Mga tsuper na mapayapang lumahok sa unang araw ng welga sa Novaliches Bayan, pinapaalis at hinaras ng Quezon City Police District Station 4. 

Ayon sa ulat ng lokal na asosasyong Novaliches-Blumentritt Drivers Association o NOBLUDA-Piston, tinaasan sila ng boses at sinubukang i-corner ng mga pulis sa utos ni QCPD Station 4 Commander Rolando Baula. 

"Ito ba ang sinasabi ng gobyernong Marcos na 'nirerespeto' nila ang karapatang magprotesta at magwelga?" sabi ng Piston. Sa kabila ng pananakot, itutuloy ng asosasyon ang welga. 📷 PISTON by @pinoyweekly
0
5 hours ago
Download
TINGNAN | Umaarangkada na ang welga ng Pateros-EDSA-Pasig Operators and Drivers’ Association-Piston sa Pasig-Palengke ngayong araw, Set. 29.

Ayon sa mga tsuper, panahon na para singilin ang mga kompanya sa langis na ganid sa tubo. Panawagan nila ang pagbabasura sa Oil Degulation Law, pagpababa ng presyo ng langis, at marangal na taas-pasahe. 📷 Thomas Andrei Brecio at Emman Capones/Pinoy Weekly by @pinoyweekly
0
5 hours ago
Download
TINGNAN: Nagsimula sa isang panalangin ang programa sa tigil-pasada na pinangunahan ng Piston kasama ang mga tsuper at iba pang mga organisasyon sa West Point, Cubao ngayong umaga, Set. 29. 

Isa ang West Point sa mga strike center sa Kamaynilaan na bahagi ng dalawang araw na tigil-pasada para sa mas marangal na fare hike at pagbasura sa excise tax sa langis. by @pinoyweekly
0
6 hours ago
Download
TINGNAN | Ramdam ang kakulangan ng mga bumibiyaheng pampasaherong dyip sa kahabaan ng E. Rodriguez sa Quezon City sa pagsisimula ng dalawang araw na transport strike ng Piston laban sa pagtaas ng presyo ng langis ngayong Lunes ng umaga. 📸 Neil Ambion by @pinoyweekly
0
6 hours ago
Download
“Wala nang makain ang aming pamilya dahil sa oil price hike.” 

Nakatangdang maglunsad ng welga ang PISTON, grupo ng mga drayber at tsuper, simula bukas, Setyembre 29 hanggang 30 dahil sa muling pagsirit ng presyo ng petrolyo. 

“Ni wala na ngang mabibiilng kendi sa piso, tapos ang ibibigay sa amin ay pisong fare increase,” ani Mody Floranda, tagapangulo ng grupo. “Ang gastos namin sa diesel, aabot na ng P3,000.00. Pero ang dagdag lang naming kikitain sa 200 passengers a day, P200 lang.” 

 Anila sanay na ang mga tsuper sa “altanghap” o halos isang kain na lamang sa isang araw dahil sa kakulangan ng kita mula sa pamamasada.

Nanawagan ang grupo ng suporta mula sa mga komyuter. Panawagan rin nila sa administrasyong Marcos na tugunan ang pagsirit ng presyo ng petrolyo, ibaba ang presyo ng mga bilihin at ibasura ang dagdag pasanin na value-added tax. 

Nasa 18 strike center sa Metro Manila ang lalahok bukas. Lalahok rin sa welga ang mga drayber at tsuper sa mga probinsya ng Panay, Bacolod, Cebu, Baguio, Bicol at General Santos. 📷 Joanna Robles/Pinoy Weekly by @pinoyweekly
0
a day ago
Download
‘Kumakalam na sikmura at galit ng mga tsuper’

Simula bukas, Set. 29, magwewelga ang Piston laban sa mataas na presyo ng langis at epekto nito sa kabuhayan ng mga tsuper at operator.

Sa kabila ng bantang parusa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasado pa rin ang transport workers sa tigil-pasada. 🎥 Joshua Isaac Español/Pinoy Weekly

#transportstrike #tigilpasada #oilpricehike #oilpriceupdate #diesel by @pinoyweekly
1
a day ago
Download
“Kahit anong mangyari, dito ako sa masa,” pahayag ni Marites Coseñas, dating bilanggong politikal, sa book launching ng ‘Pansamantalang Mundo’ ngayong araw, Set. 27, sa Good Food Sundays, Mandala Park, Mandaluyong. 

Ang ‘Pansamantalang Mundo’ ay isang antolohiya ng mga tula, kuwento, recipe, comics at countermapping ng mga kababaihang bilanggong politikal sa Correctional Institute for Women (CIW). Inilimbag ito ng Paper Trail Projects at Karapatan. 

Patuloy raw na ipaglalaban ni Coseñas, isa sa may akda, ang karapatan ng mahihirap matapos ang labing-anim na taong pagkakapiit dahil sa gawa-gawang kaso. Halos isang taon na rin mula nang siya’y makalaya. 

Ani Chingbee Cruz ng Paper Trail Projects, nagsimula ang proyekto dahil sa pag-imbita ng Good Food Community, grupo ng mga peasant advocate, na bisitahin ang mga bilanggong politikal. Mula sa mga workshop ng pagsusulat, ang inisyal na planong zine ay naging materyal para maging libro. 

Ang libro ay parte ng kampanya para palayain ang mga bilanggong politikal sa bansa. Ayon sa Karapatan, may 560 bilanggong politikal sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. 77 dito ay kababaihan. 📷 Joanna Robles/Pinoy Weekly by @pinoyweekly
0
2 days ago
Download
Kung nais nating bumalik, kailangan nating hayaan ang Diyos na turuan tayong muli. Basahin ang pagninilay ni Anjon Fredrick C. Mamunta, SSP ngayong Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon sa link sa bio. by @pinoyweekly
0
3 days ago
Download
×

Download all media on this page

Photos Videos
back to up