Instagram story viewer> @saka__ph> Posts
16.8K
followers
236
following
SAKA is an alliance of artists, cultural workers, and creatives that support and advance land justice and food security.
POSTS STORIES REELS TAGGED
Download All
Artista ng Bayan, sumama sa hanay ng ating mga magsasaka at maging bahagi ng pag-kilos tungo sa Pambansang Demokratikong mithiin ng lipunan. Gamiting karit ang sining mo bilang pang-gapas sa mga naglalakihang damo ng Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo. Ang bawat artistang lumilikha nang may puso ay may wangis ng pesanteng nagtatanim ng binhi sa lupang masagana sa ani. Ang sining mo ay mapagpalaya, anu mang porma o anyo nito ay magsisilbing punla sa mapagpanibagong bukas. Itanim mo ito sa lupang binungkal nang may prinsipyo’t paninindigan. Sa pagdating ng pagsibol, ang bunga ng iyong paggawa ay alay sa masa at tungo sa masa. Anihin natin ito nang sama-sama!

Kamakailan lang ay naglunsad ng malawakang kilos-protesta kasabay sa pag-gunita ng ika-54 na anibersaryo ng Martial Law. Kasabay ng paglipas ng panahon ay paglipas ng henerasyong nakaranas ng madugong rehimeng ito. Ngunit hindi gaya ng mga ala-ala, hindi nakakalimot ang katotohanan. Ramdam ang galit at hinaing ng masa laban sa patuloy na panunupil ng mapang-abuso at bulok na sistema ng estado. Tuloy-tuloy lang tayo sa walang sawang paniningil at pakikipaglaban para sa katarungan at tunay na repormang agraryo.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Setyembre, tinatawag ang lahat ng Artista ng Bayan! Samahan ninyo kami sa pagsalubong ng Oktubre, kung saan ipinagdiriwang natin ang buwan ng mga pesante! Ang SAKA (Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo) ay kaisa ng mga pesante sa ipinaglalabang hustisya sa lupa at karapatang pantao Layunin namin na mas pag-igtingin ang boses ng mga magsasaka at mangingisda kasama ng masang anakpawis. Maging bahagi ng pakikibaka at gamitin ang sining tungo sa landas ng tagumpay. 

Artista ng Bayan, tuloy-tuloy ang Laban! Sumali sa SAKA
http://bit.ly/join_SAKA
http://bit.ly/join_SAKA
http://bit.ly/join_SAKA by @saka__ph
0
7 days ago
Download
Hindi kailanman naging hiwalay ang sining sa lipunan. Ito ang salamin, boses, at buhay na sandata ng masa tungo sa tunay na paglaya. Bahagi ang mga artista ng bayan sa laban ng agraryo dahil ang ipinaglalaban ng magsasaka—ang lupa, pagkain, at katarungan—ay ang mismong pundasyon ng buhay at kalayaan ng buong bansa.

Ang pangungulimbat ng bilyon-bilyong piso na nagpapalubog sa bansa ay isa lamang sa maraming itsura na nagpapakita na ang sistema ay hindi gumagana para sa mamamayan. Sa ating mga kanayunan, di matigil tigil ang madugong karahasan, panggigipit, at walang katarungang pangangamkam ng lupa. At ang bumubuo ng pundasyon ng buhay ng bansa ang siyang ginugutom, pinapatahimik at inililibing. At bilang mga artista, may kakayahan tayong bigyang-mukha at itampok ang iba't ibang anggulo ng bulok na sistema na siyang unti unting pumapatay sa bansa.

Likas sa sining ang pagiging mapagpalaya, mapangahas, at matuligsa. At kung sasamahan pa ng mas malalim na layunin, magiging isa itong makapangyarihang sandata sa pakikibaka para sa tunay na kalayaan at magsisilbing salamin ng katotohanan para sa mas malawak na pagmumulat ng lipunan laban sa karahasan at mapamantalang sistema.

Ang SAKA (Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo) ay kaisa ng mga pesante sa ipinaglalabang karapatang pantao, libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, at walang tigil na paniningil ng katarungan para sa lahat ng biktima ng estado. Sa pamamagitan ng sining bilang ating sandata at mikropono, patuloy tayong nakikibaka laban sa mga mapanakop na naghahari-harian, laban sa pasismong umiiral sa bansa, at sa pyudalismong nagkukulong sa mga kanayunan sa siklo ng kahirapan.

Kung handa ka nang makiisa sa pakikibaka at bigyan ng mas matalim na pangil ang iyong sining, samahan mo kami sa laban kasama ang masa at mga magsasaka. Sama-sama tayong magmulat sa tunay na kulay ng bulok na estado upang makamit ang katarungang panlipunan, libreng pamamahagi ng lupa sa magsasaka, seguridad sa pagkain, at ang pagkamit ng tunay na kalayaan ng bansa! 

Simulan ang pakiki-isa sa pag-scan ng QR code o sa pagtugon dito: bit.ly/join_SAKA

#JOINSAKANOW! by @saka__ph
0
a month ago
Download
"Mahiya naman kayo," says Marcos Jr. The same man who:

• Ordered ₱100 Billion budget insertions to unprogrammed appropriations of the 2025 National budget - receiving ₱25 Billion, as alleged by Zaldy Co.

• Confirmed receipt of ₱8 Billion in kickbacks from flood control projects through Signal - a messaging app his administration moves to ban following the revelation of his direct involvement.

• Remained invisible during Typhoon Tino, leaving a toll of 232 known deaths and 135 missing

• Signed the 12% value-added tax (VAT), leading to price hikes on oil products and basic services such as water supply, electricity, and toll since the beginning of 2026. 

The evidence is clear: the son bares his father’s blood. Only differentiated by generation, both bureaucratic capitalists that desecrate our nation - trading our identity and culture for profit.

Today, 25 February 2026, we return to the ground where our dictator fell. 

Today, 25 February 2026, we demonstrate our power again.

MARCOS-DUTERTE, PATALSIKIN!
BURUKRATA KAPITALISMO, WAKASAN!
BULOK NA SISTEMA, BAGUHIN!

#EDSA40 by @saka__ph
0
7 months ago
Download
PRESYO NG LANGIS, IBABA! 
VAT AT EXCISE TAX, TANGGALIN! 
✊⛽
#fyp #notooilpricehike #presyonglangisibaba #pesantinta by @saka__ph
0
16 hours ago
Download
🌱 Narito na ang Oktubre #PesanTinta prompts ✍🏼 

Tag niyo na ang mga kaibigang artista na gusto ring lumikha at makibaka para sa mga magsasaka! 

Tag at i-collab post niyo rin ang SAKA at @bulacan_collective sa inyong mga likha at gamitin ang #PESANTINTA 

Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban! by @saka__ph
0
a day ago
Download
"Ikaw ay may kawangis, parehong titig at tindig.
Ikaw ay may kawangis, parehong kamao at higpit.
Ikaw ay namamalagi sa kanayunan at punong kahoy. Ikaw ay kumaway, sa mga punong narra't sanga ng dahon.

Alyssa bayan, alay sa sambayanan."

Hanggang ngayon hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa mga biktima ng walang habas na pamamaslang ng estado sa Toboso Negros Occidental. Kaya magpapatuloy ang paniningil ng sambayanan hanggat hindi napapanagot ang mga may pakana ng karumal-dumal na krimen na ‘to laban sa mga sibilyang tanging naghahangad lang ng pagbabago. 

Hustisya para sa Negros 19! by @saka__ph
0
2 days ago
Download
STAND IN RESISTANCE, SUPPORT LOCAL PEASANTRY!
WELCOME TO KITCHEN KALASAG! 

SAKA is launching its fully artist-illustrated cookbook, Kitchen Kalasag! 

Celebrating local recipes from peasant areas, the cookbook aims to diversify one’s palette and connect daily meals with the collective struggle towards food security, alongside its connection to struggles in labor, the need for national separation from imperialist forces, and destructive projects that take away rightfully owned land from farmers in the Philippines. 

For 2,000 pesos, one gains access to meals that satisfy the body and fulfill the needs of initiatives such as #StandWithFarmers and #StandWithFisherfolks, all whilst discovering culture and preserving the spirit of resistance through creation and food. 

Pre-order through the QR presented in the post, or order through this link

PRE-ORDER LINK: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfON13ZOo41GKCewYmkPoTrEhVNOikN-INKnIjQHn7ZkjGeQg/viewform?usp=publish-editor

STAY IN RESISTANCE THROUGH LOCAL RECIPES! STAND WITH FARMERS & FISHERFOLK! #StandWithFarmers #StandWithFisherfolk by @saka__ph
2
3 days ago
Download
SAKA AGAINST OIL PRICE HIKE!

Ang pagtaas ng langis ay nangangahulugan ng pagtaas ng pamasahe at bilihin kaya hindi lang ito mabigat na problema sa mga driver at commuters, kundi sa lahat ng mamamayan. Nagbabadya rin ito na maging mas pabigat na pasanin sa mga pesante na sa kakaunti at halos walang kita ay mababawasan pa.

Kaya naman kasama ang mga pesante sa laban ng tsuper at commuter para ipanawagan ang pag alis ng VAT at Excise tax sa langis at pangunahing bilihin, welga laban sa oil price hike, nakabubuhay na sahod at marangal na kita para sa lahat, at ang patuloy na panawagan na itigil ang gyerang agresyon ng US sa buong daigdig na siyang pasimula ng malawakang paglobo ng presyo ng langis!

OIL PRICE HIKE TRANSPORT STRIKE! 🗯️⛽️✊

📆 Sep 29, 5AM onwards
MAIN STRIKE CENTER
@ CHOWKING - Cubao Westpoint cor. Aurora Blvd

📆 Sep 30, 2PM assembly
MARTSA PA-MENDIOLA
@ Welcome Rotonda

WELGA KAMI LABAN SA OIL PRICE HIKE!
SAHOD ITAAS! PRESYO IBABA!
US-MARCOS SINGILIN! by @saka__ph
2
3 days ago
Download
.mp3: musika para puksain ang pax silica
9.27.26

with
@hand.stuf
@joeemejias
@xyh.tamura 

an anti-AI roundtable discussion + gig by @saka__ph and @kinki.love__ 

JUNK PAX SILICA !
SHUT DOWN LUZON ECONOMIC CORRIDOR ! by @saka__ph
1
4 days ago
Download
🧄 Cover Illustration para sa KITCHEN KALASAG: Recipes of Resistance by @saka__ph. 

Sobrang honored na makasali at maka-collaborate lahat ng illustrators, writers, designers, at organizers sa project na ito. Visually inspired sa lumaganap na community pantries ni Patreng Non, na eventually nagkaroon na rin ng gulay bouquet arrangements nung pandemic. 🍆🥬🥒🥕🫚🧅🥦 

Maraming salamat sa mga collaborators na lalong nagmobilize para malaunch ang librong ito @malayo_pa_ang_umaga @penne.rice @ccccchesssss @theartofyarn atbp! Marami pang peers and friends na nagdrawing rin ng mga recipes. Sobrang galing and congrats sa lahat! 🍠 by @saka__ph
26
4 days ago
Download
Lumipas na ang mahabang panahon ay hindi pa rin naiuuwi ang labi ni Errol sa kanyang pamilya. Hanggang kailan maghihintay ang sambayanan sa prosesong sinasadyang pabagalin ng pasistang gobyerno upang hindi makamit ang hustisya para sa mga pinaslang ng militar sa Negros? Samu't saring paglabag na sa karapatang pantao ang ginagawa ng rehimeng Marcos, Jr. Ngunit sa kabila nito ay hinding-hindi rin magsasawang manawagan ang taumbayan ng hustisya para sa Negros-19! Singilin ang pasistang militar at mga nasa likod ng pag-utos upang paslangin ang mga manggagawang kultural sa Negros!

Hustisya para sa Negros-19! by @saka__ph
0
5 days ago
Download
ATM: Paaralang Kerima Tariman

Now showing direk Noni Abao's "Bloom Where You Are Planted" 🌼

Join us for a talkback session after the screening, followed by two EDs: On Semi-feudalism and the State of Culture and Arts in the Philippines!

Paaralang Kerima Tariman as an annual lecture series launched in commemoration of poet and revolutionary Kerima Tariman, who lived and worked with the masses and whose art transcended mere self-expression. 

The event is happening @suloyspace until 7PM! See you ✊🏻 by @saka__ph
0
5 days ago
Download
×

Download all media on this page

Photos Videos
back to up