Instagram story viewer> @wingatchalian74> Posts
95.1K
followers
865
following
Official account of Senate President Win Gatchalian
📧 : [email protected]
POSTS STORIES REELS TAGGED
Ang pagkakataong maglingkod bilang Senate President ay isang malaking karangalan. Kasabay nito ang panawagang maging huwaran sa paglilingkod araw-araw. 

Higit sa lahat, ang tungkuling ito ay pananagutan — sa Senado, sa ating Saligang Batas, at sa sambayanang Pilipino.

Naririnig natin ang panawagan ng taong-bayan. Malinaw ang mga dapat unahin: mga batas at hakbang na tutugon sa pinakamabibigat na problema ng bansa.

Kabilang dito ang mataas na presyo ng bilihin, epekto ng lindol sa Mindanao, banta ng Super El Niño, at iba pang usapin.

Iisa ang inaasahan ng taong-bayan: malasakit, aksyon, at resulta.

Nananawagan tayo sa lahat ng Senador, mayorya man o minorya, na magtulungan sa pagharap sa mga hamong ito.

Alam ng buong Senado ang panawagan ng mamamayan: magtrabaho ang Lehislatura, tugunan ang mga problema, at unahin ang kanilang pangangailangan.

Ang nais natin ay isang Senado para sa tao. Senado na handang makinig, bukas sa pakikipag-usap, at nakatuon sa solusyon. by @wingatchalian74
48
4 months ago
Download
Today, I take my oath as Senate President Pro Tempore.

Nagpapasalamat ako sa tiwala at kumpiyansang ipinagkaloob sa akin ng aking mga kasamahan sa Senado.

Buong pagpapakumbaba kong tinatanggap ang responsibilidad na ito. Patuloy tayong magtatrabaho at tutupad sa ating tungkulin para sa sambayanang Pilipino. by @wingatchalian74
208
5 months ago
Download
Para ipagdiwang ang ika-110 anibersaryo ng Senado, naghatid ang Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) ng saya at tulong sa Philippine National School for the Deaf bilang bahagi ng kanilang Adopt-a-Community program.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa! by @wingatchalian74
2
2 hours ago
Download
Sinusuportahan ng Senado ang pagbibigay ng dagdag na kapasidad sa Department of National Defense (DND), sa pamumuno ni Secretary @giboteodoroph upang makuha ng ating armed forces ang kagamitan at teknolohiyang kinakailangan para sa seguridad ng bansa.

Sa pagtalakay ng kanilang 2027 budget, mahalagang ipagpatuloy ang modernisasyon ng militar sa lupa, dagat, at himpapawid – lalo na sa cyber warfare, dahil mabilis na nagbabago ang geopolitical situation sa ating rehiyon at sa buong mundo. by @wingatchalian74
2
16 hours ago
Download
Nagkaroon tayo ng pagkakataong makasama at makakuwentuhan ang ilan sa ating mga business leader mula sa Young Presidents' Organization (YPO) Philippines Gold.

Maraming salamat sa inyong imbitasyon at oras para mapag-usapan ang mahahalagang isyu sa ating bansa. by @wingatchalian74
2
2 days ago
Download
Bumisita ang Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) sa Philippine National School for the Deaf (PNSD) bilang bahagi ng kanilang Adopt-a-Community program.

Sa pangunguna ni SSFI President Lexi Gatchalian, kasama sina SSFI Vice President Ciara Sotto at SSFI Treasurer Maricel Tulfo, nagdala sila ng bigas, go bags, groceries, at school supplies para sa humigit-kumulang 650 na mag-aaral. by @wingatchalian74
0
2 days ago
Download
Another productive week! Mula sa mga hearing sa Senado at pag-abot ng tulong sa mga komunidad, tuloy-tuloy lang po tayo!

#WINTayongLahat #TheWeeklyRewind by @wingatchalian74
0
3 days ago
Download
Maraming salamat po sa pagdalaw sa Senado, Bro. Eddie Villanueva. Pagbati muli sa ika-48 na anibersaryo ng buong Jesus Is Lord Church Worldwide! by @wingatchalian74
2
3 days ago
Download
Nasa 1.3 milyong estudyante na ang natulungan ng ARAL program kaya nakapagtataka na hindi ito pinondohan sa 2027.

Titiyakin nating maibabalik ito sa Senate version ng budget para maipagpatuloy ang pakinabang sa ating mga mag-aaral. by @wingatchalian74
1
3 days ago
Download
Umangat ang sektor ng edukasyon ngayong 2026 sa tulong ng makasaysayang pondong inilaan natin sa DepEd, at nakikita na ang mga resulta nito.

Sa 2027, dapat maipagpatuloy ang mga nasimulang reporma. Sinuri natin sa budget hearing ang mga programa ng ahensya, gaya ng pagtatayo ng classrooms at pamamahagi ng textbooks, para makita kung ano pa ang kailangang pagbutihin.

At sa mga nangyaring karahasan sa mga paaralan, prayoridad ng Senado na maglaan din ng pondo para sa seguridad ng mga mag-aaral at guro. by @wingatchalian74
2
3 days ago
Download
Nakipagpulong tayo sa dati nating kasamahan sa Senado at ngayo’y Department of Education (DepEd) Secretary @sonnyangara upang talakayin ang panukalang budget ng ahensya sa 2027.

Kasama si Senate Finance Committee Chair @jvejercito, nais matiyak ng Senado na sapat ang pondong ilalaan sa edukasyon para maibigay sa ating mga mag-aaral at guro ang suportang nararapat sa kanila. by @wingatchalian74
2
3 days ago
Download
Higit pa sa trabaho, pag-asa ang dala ng ating mga job fair. Salamat sa ating mga katuwang sa Quezon City sa pakikiisa sa Tara, Trabaho, G! by @wingatchalian74
0
4 days ago
Download

Download All

Save the photos and videos currently loaded on this page.

0Photos
0Videos
Ready to download 0 / 0

Keep this tab open until your download is ready.

back to up